|
LGU-MAUBAN E-LEARNING VILLE |
|
MAUBAN e-Learning Ville
located at 2nd Floor Mauban Gymnasium Brgy. Rizaliana, Mauban, Quezon
NOW OPEN!!! Mondays - Saturdays
8:00am - 10:00pm Sundays 2:00pm - 10:00pm UBUNTU(Linux System) Free Group Training every Saturday is going on.
This is a joint project of LGU-MAUBAN,Mauban Gender Awareness and Development,Quezon Power Plant Ltd.,National Computer Commission,UPOU,PLDT, Congressman Mark Enverga,and Philippines Community eCenters,the Global Horizon for the Filipinos.
|
|
Read more...
|
|
BARANGAY ASSEMBLY IN LUAL BO.
Isinagawa ang pagpupulong ng mga taga-Brgy. Lual bo. pati na rin ang mga opisyal ng kanilang Barangay noong Hulyo 17, 2011. Ito ay ginanap sa kanilang Barangay Hall sa pangunguna ng kanilang Kapitan na si Barangay Chairman Manuel M. Calucin. Dinaluhan ito ng ating kagalang-galang na pangalawang Punong Bayan Leonchito Gapasangra kasama ang ilang kagawad ng ating bayan na sina Konsehal Dante Almacen,Konsehal Marivel Trinidad, G. Jack Paway ng Media Bureau at SK Chairman ng Brgy. Lual bo. na si Jhaymark Ramos. Layunin ng pagpupulong na maiparating sa mga mamamayan ng brgy. lual bo. ang mga planong proyekto na nagawa na at mga gagawin pa.
Sinabi ni Vice Mayor Gapasangra sa mga taong dumalo roon ang mga programa ng ating pamahalaan pati na ang para sa mga barangay. Tinalakay naman ni konsehal Dante Almacen ang kanyang programang pangkapayapaan at si Konsehal Marivel Trinidad ay ang tungkol sa mga livelihood project na kanyang pinangangasiwaan.
Nagpapasalamat ang mga taga-Brgy. Lual Bo. kay Mayor Dingdong Q. Llamas dahil sa kanyang ipinakikitang suporta sa mga ito at umaasa silang magiging aktibo rin ang mga proyektong pangkabuhayan sa kanilang barangay.

|
|
Read more...
|
|
|
MEDICAL AND DENTAL MISSION |
|
MEDICAL AND DENTAL MISSION IN CAGSIAY III (A MONTHLY BARANGAY PROGRAM)
Ginanap noong Hulyo 21,2011 ang libreng gamutan sa Barangay Cagsiay III bilang bahagi ng buwanang programang pang-Barangay sa Bayan ng Mauban. Ang Medical Team ay pumunta roon sa pangunguna ng butihing Punongbayan na si Mayor Dingdong Q. Llamas. Kasama niyang nagtungo roon sina G. Marconi Calong, ang Municipal Administrator, Konsehal Marivel Trinidad, Konsehal Dante Almacen, Southern Luzon Command o Sol Com, Dr. June Camitan, Dr. Ronald Mararac at iba pang mga kawani na nagmula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang local tulad ng Department of Agriculture, MENRO, at Dept. of Health. Ang Quezon Power Philippines Limited Co. at Miescor ay nagbigay rin ng suporta sa nasabing gamutan.Bukod sa libreng konsultasyon at gamutan, isinagawa rin doon ang libreng pagpapabunot ng mga ngipin, libreng gupit ng buhok at pamamahagi ng mga libreng pagkain, bigas, goods, salamin sa mata, tsinelas at mga pananim at pataba sa lupa. Nasa 153 ang nabunutan ng ngipin at 249 ang nagpakunsulta. Isinagawa rin ang libreng rehistro para sa mga katutubo at residente roon na wala pang Birth Certificate. Nagpapasalamat ang mga katutubo at residente ng Cagsiay III kay Mayor Dingdong Q. Llamas at sa iba pang kasama dahil naisagawa ang Medical and Dental Mission sa kanilang lugar kahit malayo ito sa kabayanan. Natutuwa sila at may ganitong programa an gating butihing Punong Bayan Mayor Dingdong Q. Llamas at umaasa silang muling mabibiyayaan sa mga susunod pang pagkakataon.
|
|
Read more...
|
|
|
STREET DANCING COMPETITION |
|
MGA KABATAANG KATUTUBO, SUMALI SA STREETDANCING MAUBANOG FESTIVAL
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sumali ang mga kabataang katutubo mula sa Sitio Dakil, Brgy. Cagsiay III sa Pambayang Paligsahang Streetdancing bilang bahagi ng pagdiriwang ng Maubanog Festival 2011. Ang paligsahan ay ginanap noong Hulyo 11, 2011 sa harapan ng Grandstand ng Mauban South Central School kung saan 10 Grupo ng mga kabataan, mag-aaral man o hindi, ang mga naging kalahok.Ang mga Kabataang katutubo na lumahok ay binubuo ng 25 kabataan mula edad 9 hanggang 20.Sa pamamagitan ni G. Jack Paway ng Media Bureau ng Mayor's Office ay nabigyan sila ng pagkakataon maiuwi sa bayan ng Mauban upang sumali sa nasabing paligsahang Streetdancing. Silang mga kabataang katutubo ng Streetdancing ang kaunahang dumating sa Grandstand noong alas-kwatro ng umaga para sa coverage ni Winnie Cordero ng Umagang Kay Ganda ng channel 2 para sa Maubanong Festival. Nagpapasalamat ang mga kabataang katutubo sa butihing Mayor Dingdong Q. Llamas sa kanyang suporta sa mga kabataan at pati na rin sa Dept. of Tourism, DSWD, sa Kapitan ng kanilang Barangay na si G. Alex Benavidez, at sa Larry and Vicka Consegnacion ng Barangay Daungan na nag-sponsor ng isda para sa mga kabataang katutubo.
|
|
|
BUWAN NG KABABAIHAN
Ginanap ang parada ng mga kababaihan sa bayan ng Mauban noong ika-7 ng Marso, 2011 kaugnay ng okasyong buwan ng kababaihan na may temang "BABAENG QUEZONIAN: KATUWANG NATIN SA PAG-UNLAD NG LALAWIGAN. Ang pagdiriwang ay nagsimula noong Marso 5 hanggang Marso 11. Pinangungunahan ni Mayora Marita Llamas, Sanguniang Bayan at mga Kawani ng Pamahalaan ang nasabing parada. Ang Lyre Band ng Mauban North District ang naatasang manguna sa parada.
Matapos ang parada ay ginanap ang maikling palatuntunan sa harapan ng Muni- sipyo. Nagbigay ng Mensahe si Mayor Dingdong Q. Llamas sa mga kababaihan at ipinahayag niya ang kanyang suporta sa mga ito. Pagkatapos ng palatuntunan ay nagpatuloy sa Mauban Gymnasium ang mga kababaihan kung saan isinagawa ang maikling seminar ukol sa pagsugpo at pangangalaga ng mga Kaba- baihan laban sa sakit na Kanser. Si Dra. Llave ng Philippine General Hospital (PGH) ang nagsilbing panauhin tagapag salita noong hapong iyon.
Naging kapaki-pakinabang para sa mga nagsidalo at nakinig ang ginanap na pagdiriwang ng buwan ng Kababaihan. 
|
|
Read more...
|
|
|
|
<< Start < Prev 1 2 Next > End >>
|
| Results 1 - 10 of 11 |