|
PAGBISITA NG MUNICIPAL TOURISM OFFICE SA MGA KATUTUBO SA SITIO DAKIL
Nagtungo sa sitio Dakil, Brgy. Cagsiay III noong May 19, 2011 ang mga taga Dept. of Tourism na sina Bb. Anabelle M. Calleja, ang Head ng Department, Tonton T. Pansacola at Donald P. Villamarzo upang bisitahin ang mga katutubo roon para alamin ang kalagayan o takbo ng kanilang pamumuhay at upang malaman kung anong mga gawaing pangkabuhayan ang maaring gawing proyekto para makatulong sa kanilang mga pamilya. Kasama rin nila sina Kapitan Alex Benavidez at sina Jack Paway at Normilito Alcantara ng Media Bureau, sa pagpunta roon.
Tiningnan din nila ang kalagayan ng paaralan doon na pinamumunuan ng Guro ng ALS (Alternative Learning School) n si Gng. Vicky Llabres, Pati na ang mga lugar na maaring gawing Tourist Spots sa Sitio Dakil tulad ng Isla ng Mag-asawang Bato ang mga baybaying Dagat, Ilog at talon sa Sitio Dakil.
Nagpapasalamat ang mga katutubo sa sitio Dakil kay Mayor Dingdong Q. Llamas pati na sa mga taga Dept. of Tourism dahil nabisita ang kanilang lugar at dahil sa mga programa ng ating pamahalaan ay umaasa sila sa mga Programa ng ating Pamahalaan ay umaasa sila na matugunan na ang kanilang mga kahilingan. 
Habang Bumababa sa saksakyang Pandagat sina Bb. Anabelle M. Calleja, Tonton T. Pansacola at Donald P. Villamrzo (sa itaas) at habang kinakausap ni Maam Annie si Vicky Llabres ng ALS (sa ibaba) .

Mga Kuhang larawan habang Ini-interview ni Bb. Anabelle M. Calleja ng Dept. of Tourism ang mga Katutubo sa Sitio Dakil.
Mga Kuhang Larawan habang masaya at Ganadong Kumakain ang mga katutubo ng Sitio Dakil
(sa ibaba) Kuhang larawan ng mga Katutubo Habang sila ay Ini-interview ng mga taga Dept. of Tourism
Mga kuhang larawan habang nagkakasayahan at nagsasayawan ang mga Kabataang Katutubo ng Sitio Dakil |