|
Spring Development Program Cagsiay III |
|
|
|
|
SPRING DEVELOPMENT PROGRAM IN SITIO PIAPE, CAGSIAY III
Tumungo ang mga tauhan ng Drilling Section sa Sitio Piape, Cagsiay III noong Mayo 4, 2011 upang sukatin ang paglalagyan ng tangke ng reservoir ng tubig patungo sa mga kabahayan ng sitio piape.
Kasama sa nasabing pagsusukat sina Jack Paway ng Media Bureau, Kap. Alex Benavidez, Brgy. Chairman ng Cagsiay III, ang konsehal ng Brgy. Cagsiay III na si Enrico Calong, at sina Ronaldo E. Calucin at Tony B. Urgelles ng Drilling Section.
Lubos na nagpapasalamat ang mga taga sitio piape sa ating Punong Bayan Dingdong Q. Llamas at maaayos na rin ang daloy ng tubig sa kanilang mga kabahayan. 
|